Sabi ng Netflix, 'Pasensya na, nagkaproblema sa pakikipag-ugnayan sa Netflix. Pakisubukan ulit (T1.)'

Kung may nakikita kang error sa Windows computer mo na nagsasabing:

Pasensya na, nagkaproblema sa pakikipag-ugnayan sa Netflix Pakisubukan ulit. (T1)

Karaniwang ang ibig sabihin nito ay may problema sa network connection na pumipigil sa computer mo na maka-connect sa Netflix. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

I-shut down ang computer mo

  1. I-shut down ang computer mo gamit ang menu:

    • Para sa Mac: Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Apple menu > Shut Down.

    • Para sa Windows: Mula sa Start menu, i-click ang Power > Shut down.

    • Para sa Chromebook: Mula sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang oras > Sign out > Shut down.

  2. Hayaang naka-off nang kahit 10 segundo ang computer mo.

  3. I-on ito ulit, tapos, subukan ulit ang Netflix.

I-restart ang home network mo

Sa step na ito, siguraduhing hahayaan mong naka-off ang computer mo at sabay-sabay na hindi nakasaksak ang lahat ng home network equipment mo nang 30 segundo bago mo isaksak ulit ang bawat device nang paisa-isa.

  1. I-off ang computer mo.

  2. Bunutin sa saksakan ang modem mo (at ang wireless router mo, kung hiwalay itong device) nang 30 segundo.

  3. Isaksak ang modem mo at hintaying bumalik sa normal ang mga indicator light. Kung hiwalay ang router mo sa modem mo, isaksak ito at hintaying bumalik sa normal ang mga indicator light.

  4. I-on ulit ang computer mo at subukan ulit ang Netflix.

Palakasin ang Wi-Fi signal mo

Para palakasin ang Wi-Fi mo:

  • Paglapitin ang router at device mo. Kung posible, ilagay ang mga ito sa iisang kuwarto.

  • Ilayo ang router mo sa iba pang wireless device at appliance.

  • Ilagay ang router mo sa lugar na walang harang at hindi nakalapag sa sahig. Mas malakas ang signal ng mga router kapag nasa mesa o estante.

I-restore ang default na connection settings mo

Kung binago mo ang connection settings sa device mo, kailangan mong ibalik ang mga ito sa default.

Posibleng kasama sa settings na ito ang:

  • Custom modem settings.

  • Virtual Private Network (VPN) o proxy service settings.

  • Custom DNS settings.

Kung kailangan mo ng tulong sa pagbabago sa settings na ito, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device.

Kapag na-reset mo na ang settings na ito, subukan ulit ang Netflix.

Makipag-ugnayan sa internet service provider mo

Kung hindi maaayos ng steps na ito ang problema, makipag-ugnayan sa internet service provider (ISP) mo para sa tulong sa pag-aayos ng isyu sa network connection.

Magagawa ng ISP mo na:

  • Tingnan kung may internet outage sa lugar ninyo.

  • Ayusin ang mga karaniwang isyu sa router o modem at mga maling setting ng network.

  • I-restart o i-reset ang connection ng network mo.

Habang nakikipag-usap sa ISP mo, ipaalam sa kanila:

  • Kung sa isang device lang nangyayari ang isyu, o sa iba pang device sa parehong network.

  • Kung kumo-connect ang device mo gamit ang Wi-Fi o nang direkta gamit ang cable.

Bago matapos makipag-usap sa ISP mo:

  • Gamit ang web browser, pumunta sa fast.com para i-test ang bilis at connection ng internet mo nang direkta sa Netflix.

  • Subukang mag-Netflix ulit para siguraduhing naayos na ang problema.

Mga Kaugnay na Article