Netflix Error U7111-5005

Kung nakikita mo ang error code na U7111-5005 sa Windows computer o tablet mo na may ganitong message:

Error sa Pag-stream
Naka-hold ang account mo dahil sa problema sa nakaraan mong pagbabayad. Pumunta sa netflix.com/payment para mag-update.

Ang ibig sabihin nito ay hindi makakolekta ng bayad ang Netflix. Sundin ang steps na ito para ayusin ang problema.

I-check ang status ng account mo sa Netflix.com

  1. Pumunta sa Account page mo.

  2. Sundin ang instructions sa alert sa itaas ng page.

I-clear ang cookie ng Netflix

  1. Pumunta sa netflix.com/clearcookies. Isa-sign out ka nito sa account mo.

  2. Piliin ang Mag-sign in at ilagay ang email at password mo sa Netflix.

  3. Subukan ulit ang Netflix.

Mga Kaugnay na Article