Sabi ng Netflix, ' Napakarami mong na-download na video. (VC2-CV2-M1-B23000)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Download Error
Napakarami mong na-download na video. Mag-delete ng video at subukan ulit (VC2-CV2-M1-B23000).

Ang ibig sabihin nito ay lumampas ka na sa maximum na dami ng device na puwedeng mag-store ng mga na-download na title nang sabay-sabay. Puwede kang gumamit ng 1, 2, o 4 na device para mag-download ng mga title, depende sa plan mo. Para mag-download sa bagong device, puwede kang mag-alis ng mga na-download na title sa kasalukuyang device o i-upgrade ang streaming plan mo.

Mag-alis ng na-download na title sa kasalukuyang device

Kung tapos mo nang gamitin ang isang device para manood ng mga na-download na title, mas maganda kung ide-delete mo ang mga title na iyon sa device. Pagkatapos i-delete ang lahat ng na-download na title sa device, kumonnect sa internet at buksan ang Netflix app. Sa ganitong paraan, nalalaman ng systems namin na hindi na ginagamit ang device para manood ng na-download na content, at nagbibigay-daan ito sa iyong mag-download ng mga title sa bagong device.

Kung nawala o nasira ang isang device, o hindi na ito magagamit para kumonnect sa Netflix sa kahit anong paraan, automatic na mag-e-expire ang device pagkalipas ng 30 araw at makakapag-download ka ng mga title sa ibang device.

Palitan ang plan mo

Kung gusto mong mag-store ng mga na-download na title sa mas maraming device, puwede kang lumipat sa supported na plan. Sa mga plan namin, puwede kang mag-stream ng content at mag-store ng mga na-download na title sa 1, 2, o 4 na device nang sabay-sabay.

Mga Kaugnay na Article