Sabi ng Netflix, 'Napakarami mong na-download na video. (VC2-CV2-M1-B22005)'

Kung may nakikita kang error na nagsasabing

Napakarami mong na-download na video. Mag-delete ng video at subukan ulit. (VC2-CV2-M1-B22005)

Ang ibig sabihin nito ay lampas ka na sa maximum na bilang ng sabay-sabay na pag-download ng mga title mula sa iisang kasunduan sa license. Ang content namin ay karaniwang lisensyado sa mga naka-bundle na title mula sa mga partikular na studio at distributor. Sa ilang sitwasyon, posibleng may limitasyon sa bilang ng mga title mula sa iisang kasunduan na puwede mong i-download nang sabay-sabay. Ipapatupad lang namin ang mga limitasyon na ito kung hinihiling ito ng mga kasunduan sa license namin. Karaniwan kaming nag-o-offer ng kumpletong season ng mga TV show para sa sabay-sabay na pag-download, pero puwede mong maranasan ang error na ito kapag nagda-download ka ng maraming episode mula sa magkakaibang season ng TV show.

Kadalasang sapat na ang pag-delete sa mga download na tapos mo nang panoorin para ayusin ang error na ito.

Alisin ang mga na-download na title sa Windows 10 computer o tablet mo

Para lutasin ang isyung ito, puwede mong i-delete ang isa o lahat ng download na naka-store na sa device mo.

Mag-delete ng na-download na title sa Windows 10 device mo

  1. I-click o i-tap ang Menu icon .

  2. Piliin ang My Downloads.

  3. I-click o i-tap ang edit iconpen icon sa kanang sulok sa itaas ng screen mo.

  4. I-click o i-tap ang delete icon trash can icon para alisin ang title sa device mo.

I-delete ang lahat ng na-download na title sa Windows 10 device mo

  1. I-click o i-tap ang Menu icon .

  2. Mag-scroll pababa at piliin ang App Settings.

  3. Piliin ang Delete All Downloads.

  4. Sa confirmation screen, piliin ang Delete.

  5. Made-delete ang lahat ng na-download na title.

  6. Subukang i-download ulit ang gusto mong TV show o pelikula.

Mga Kaugnay na Article