Bakit humihingi ang Netflix ng impormasyon ng profile
Hinihiling ng Netflix sa mga member nito na mag-share ng ilang pangunahing impormasyon — tulad ng pangalan, email address, at phone number — para sa bawat profile sa isang account. Nakakatulong ito para padaliin ang pag-sign in, mapanatiling secure ang mga account, at nagbibigay-daan ito sa amin na i-personalize ang Netflix para sa bawat taong gumagamit nito.
Bakit hinihingi ng Netflix ang impormasyong ito?
Nakakatulong sa amin ang impormasyon sa profile mo na:
Padaliin para sa iyo na mag-sign in at ma-recover ang access sa profile mo
I-verify ang identity mo at tumulong na mapanatiling secure ang account mo
I-personalize ang experience mo kabilang na rito ang mga rekomendasyon, homepage, komunikasyon, at ad
Tandaan: Para sa mga member na nakakakita ng ads, posibleng makatulong sa amin ang impormasyong ito para magpakita sa iyo ng mas marami pang angkop na ad. Magbigay ng mas maayos na suporta kung makikipag-ugnayan ka sa Customer Service
Narito ang mga halimbawa kung paano namin ginagamit ang impormasyon:
Kapag may email address, makakapag-sign in ka gamit ang sarili mong sign-in code kaysa dumepende sa may-ari ng account. Nakakatulong din ito sa iyo na makabalik sa account mo kung ma-lock out ka man, at makatanggap ng mga akmang rekomendasyon at update sa email mula sa Netflix.
Tandaan: Hindi puwedeng maglagay ng mga email address at phone number sa mga Pambatang profile, para hindi sila direktang makapag-sign in sa Netflix. Ang mga profile na hindi Pambata lang ang hinihiling na maglagay ng mga ganitong detalye. Kapag may phone number, nagkakaroon ng isa pang paraan ng pag-sign in sa account mo.
Kapag may pangalan, nape-personalize ang profile mo at pinapadali nito para sa Customer Service team namin na tulungan ka.
Nakakatulong sa amin ang petsa ng kapanganakan para magpakita ng mga title at rekomendasyong angkop sa edad.
Puwedeng makatulong ang kasarian (optional) na i-personalize ang experience mo sa Netflix.
Para maunawaan ang mga kumpletong paggamit namin sa personal na impormasyon, pakitingnan ang aming Pahayag sa Privacy.
Posibleng hilingin sa iyo na maglagay ng impormasyon sa profile mo sa iba-ibang pagkakataon at sa iba-ibang lugar, gaya ng kapag nag-sign up ka, gumawa o pumili ka ng profile, o sa mga setting ng account mo. Posibleng pana-panahong hilingin sa iyo na maglagay ng impormasyon sa pagdaan ng panahon habang naglalabas kami ng mga bagong paraan para padaliing gamitin at gawing mas personalized ang Netflix.
Para sa iba pang detalye kung paano pinangangasiwaan ng Netflix ang data mo, tingnan ang aming Pahayag sa Privacy, Page ng Tulong sa Privacy at Seguridad, at kung Anong personal na impormasyon ang hawak ng Netflix tungkol sa iyo at kung paano humiling ng kopya.
Paano tingnan o i-update ang impormasyon mo
Matitingnan at mapapalitan mo ang impormasyon sa kahit anong profile kahit kailan.
Pumunta sa Account page sa web browser. Posibleng kailangan mong mag-sign in kung hindi ka pa naka-sign in.
Piliiin ang Mga Profile, at piliin ang profile mo.
I-click ang pangalan ng profile mo para i-edit ang personal na impormasyon at impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
Sa ilalim ng Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan, ilagay o i-update ang pangalan mo sa profile, email, phone number, o iba pang detalye.
Tandaan: Dapat ay unique at hindi pa ginagamit sa ibang Netflix account o profile ang bawat email address at phone number.
Sino ang puwedeng gumawa ng mga pagbabago:
Puwedeng makita, ilagay, baguhin, o alisin ng may-ari ng account ang impormasyon sa kahit anong profile sa account.
Puwedeng i-update ng mga user ng profile ang sarili nilang impormasyon pero hindi nila puwedeng baguhin ang ibang mga profile.
Paano mag-sign in gamit ang email o phone number ng profile
Kapag may sarili nang na-verify na email address o na-verify na phone number ang isang profile, puwede nang mag-sign in ang taong iyon gamit ang email o phone niya at one-time passcode (sign-in code) na ipinapadala sa email o text.
Puwede ka pa ring lumipat ng profile at manood gamit ang kahit anong profile, anumang paraan ang gamitin mo sa pag-sign in sa Netflix.
Kung nahihirapan kang mag-sign in gamit ang email o phone number ng profile mo, puwede ka pa ring mag-sign in gamit ang email ng pangunahing account at sign-in code o password.
Hindi puwedeng maglagay ng mga email address sa mga Pambatang profiles, para hindi sila puwedeng direktang mag-sign in sa Netflix.