Wala sa Netflix app ang mga na-download

Nade-delete ang lahat ng na-download sa device kapag na-uninstall o na-reset ang Netflix app, at kapag na-clear ang data ng app.

Kung hindi mo mahanap ang ilan o lahat ng TV show o pelikulang na-download mo sa Netflix app, piliin ang device mo sa ibaba para alamin pa.

Posibleng hindi lumabas ang TV show o pelikula sa Mga Na-download mo kung mas mataas ang maturity rating nito kaysa sa pinapayagan ng profile mo. Pumunta sa Netflix account page mo para makita o palitan ang maturity settings ng profile.

Para tingnan ang mga restriction sa panonood ng profile:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. I-tap ang Menu, at i-tap ang I-manage ang mga Profile.

  4. I-tap ang icon na I-edit sa profile mo.

  5. I-tap ang Mga Restriction sa Panonood , at i-tap ang Maturity Rating para tingnan ang mga restriction sa panonood ng profile mo.

Para alamin pa, pumunta sa Paano i-set ang maturity ratings ng profile o mag-block ng mga title.

Kung walang restriction sa panonood ang profile mo at wala pa rin ang mga na-download mo, magpatuloy sa susunod na steps.

Posibleng kailangang palitan ang pahintulot sa storage sa mga device na may mas lumang version ng Android.

  1. Pumunta sa Settings app.

  2. I-tap ang Apps o Apps Manager.

  3. Sa list ng apps, hanapin at i-tap ang Netflix.

  4. I-tap ang Permissions.

  5. I-switch ang Storage sa On.

  6. Subukan ulit ang Netflix.

Kung gumagamit ka ng SD card at hindi mo mahanap ang mga na-download na title, posibleng kailangan mong ayusin ang isyu sa pag-store ng mga na-download sa SD card mo.

May ilang app na nag-aalok na "i-clean up" ang device mo o magbakante ng storage sa pamamagitan ng automatic na pag-clear sa data ng apps na naka-install sa device mo. Kung aksidenteng ma-clear ng apps na ito ang data ng Netflix app, made-delete ang lahat ng na-download na naka-save sa device o SD card mo at posibleng magdulot ito ng iba pang isyu.

Subukang i-off ang apps na ito, at i-download ulit ang TV show o pelikula.

Posibleng hindi lumabas ang TV show o pelikula sa Mga Na-download mo kung mas mataas ang maturity rating nito kaysa sa pinapayagan ng profile mo. Pumunta sa Netflix account page mo para makita o palitan ang maturity settings ng profile.

Para tingnan ang mga restriction sa panonood ng profile:

  1. Buksan ang Netflix app.

  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Netflix Ko.

  3. I-tap ang Menu, at i-tap ang I-manage ang mga Profile.

  4. I-tap ang icon na I-edit sa profile mo.

  5. I-tap ang Mga Restriction sa Panonood , at i-tap ang Maturity Rating para tingnan ang mga restriction sa panonood ng profile mo.

Para alamin pa, pumunta sa Paano i-set ang maturity ratings ng profile o mag-block ng mga title.

Kung walang restriction sa panonood ang profile mo at wala pa rin ang mga na-download mo, makipag-ugnayan sa amin para sa iba pang tulong.

May bagong Netflix app para sa Windows, kung saan puwedeng manood ng mga live event, mas maganda ang streaming quality, compatible ang mga plan na may ads, at marami pang iba. Kahit hindi na supported ang pag-download, puwede ka pa ring manood ng mga TV show at pelikula offline sa supported na mobile device.

Kung hindi mo mahanap ang option na mag-download o i-play ang mga na-download na title, ginagamit na ng computer mo ang bagong Netflix app version. Hindi na makakabalik sa lumang app version.

Mga Kaugnay na Article