Feedback sa isang title sa Netflix

Sa Netflix, gusto naming i-entertain ang mundo. Kahit ano ang panlasa mo, at kahit saan ka nakatira, binibigyan ka namin ng access sa mga de-kalidad na TV show, pelikula, documentary, at game. Kami ang mga numero unong fan ng entertainment, at lagi kaming tumutulong para mahanap mo ang susunod na paborito mong kuwento. Pangunahin naming hangarin na siguraduhing nae-enjoy mo ang experience sa Netflix.

Sinisikap naming mabigyan ng serbisyo ang lahat ng customer namin. Binibigyan namin ng boses ang mga tao sa buong mundo, sinasaklaw ang iba't ibang panlasa, paniniwala, at paksa, at iginagalang ang sariling istilo ng mga creator namin.

Bagama't hindi lahat ay nasisiyahan sa lahat ng serbisyo namin, sinisikap naming bigyan ka ng pinakamaraming impormasyon hangga't maaari para mapag-isipan mong mabuti ang pinipili mong panoorin o laruin. Makokontrol mo ang ipinapakita sa iyo at sa pamilya mo sa tulong ng mga tool sa Mga Kontrol ng Magulang na kasama sa aming serbisyo.

Malugod naming tinatanggap ang lahat ng feedback, tanong, at reklamo. Pinakamadali at pinakamabilis na paraan para maipadala ang mga tanong o alalahanin tungkol sa serbisyo namin, pati na sa aming mga title, ang pakikipag-ugnayan sa amin.

Mga Kontrol ng Magulang

Pag-search, Pag-browse, at History ng Panonood

Pagre-report ng mga Problema sa Playback

Mga Available na TV Show at Pelikula

Mga Kaugnay na Article