Mighty Quest Rogue Palace - Game Support

Maghanap ng epic na loot. Kalabanin ang malalaking boss. Lumaban at manalo sa nakakabaliw na maze, at maghandang mamatay—nang paulit-ulit. Bumalik nang mas malakas, iligtas ang kaharian. Walang pressure!

Mga Platform: Isang mobile device na pasok sa mga minimum na kinakailangan sa device

  • Android phone at tablet: Android 8.0 o mas bago, supported device, o chipset/GPU combination

    • Kasama sa mga sikat na device na hindi supported ang: Motorola Moto E6, Motorola Moto G Play, Motorola G Pure, Oppo A5s (AX5s), at Sony Xperia L3.

    • Kung nakikita mo ang "Hindi compatible ang device mo sa version na ito" kapag sinusubukan mong mag-download, tingnan ang "Pag-troubleshoot/Mga Problema" sa ibaba.

  • iPhone, iPad, o iPod touch: iOS/iPadOS 15 o mas bago

Game category: Role-playing / Action

Bilang ng players: Single player

Offline play: Mayroon

Cloud saves: Mayroon

Rating ng content: Tingnan ang Google Play Store o App Store

Mga Wika: Arabic, Chinese (Traditional), English, French, German, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Russian, Spanish (Castilian), Spanish (Latin America), Swedish, Thai, Turkish

Developer: Ubisoft Entertainment

Mga Kinakailangan

Para makapaglaro ng Mighty Quest Rogue Palace, kakailanganin mo muna itong i-install sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Isang device na pasok sa mga minimum na kinakailangan sa device:

    • Android phone at tablet: Android 8.0 o mas bago, supported device, o chipset/GPU combination

    • iPhone, iPad, o iPod touch: iOS/iPadOS 15 o mas bago

  • Active subscription sa Netflix

  • Internet connection para i-download at i-install ang game

  • Sapat na storage space sa device mo


Pag-install

Mula sa Netflix app

Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at Mga Game sa ibaba.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.

    Tandaan:Hindi nakikita ang row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.

  3. I-tap ang I-install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa Play Store

Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.

  1. Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  4. Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.

    Note:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano mag-update ng Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa mga resulta ng search, at i-tap ang Get o ang Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Hindi ka ba makausad sa game? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa in-game settings? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Habang naglalaro, makikipaglaban ka para kolektahin ang iba't ibang piraso ng equipment para sa magkakaibang hero na puwede mong gamitin. Pagkatapos kolektahin ang lahat ng kinakailangang equipment para sa isang hero, may lalabas na node sa itaas ng map para makipaglaban ka sa kanya. Pagkatapos talunin ang hero, magiging playable character siya sa mga susunod na run.

Makikita ang mga nakolektang equipment para sa bawat hero, kasama ang mga na-unlock na hero, sa King's Throne sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay Harold of Acedia at pagtingin sa armory mo. Puwede mo ring tingnan ang armory mo habang nasa run sa pamamagitan ng pag-tap sa libro sa kaliwang bahagi sa ibaba ng screen mo.

Nagkakaproblema ka ba sa game? Heto ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.

Kung nakikita mo ang message na "Hindi compatible ang device mo sa version na ito" sa Google Play Store kapag sinusubukan mong i-download ang game, posibleng dahil ito sa chipset at GPU ng device mo.

Kung may isa sa mga combination ng chipset at GPU na nakalista sa ibaba ang device mo, posibleng kailangan mong maglaro ng Mighty Quest Rogue Palace sa ibang device.

Mga chipset at GPU combination na hindi suported:

Chipset

GPU

Exynos 7570

Mali-T720

Exynos 7870

Mali-T830

HiSilicon KIRIN655 Kirin 655

Mali-T830

Mediatek Helio A22 MT6761

PowerVR GE8300

Mediatek Helio P35 MT6765

PowerVR GE8320

MediaTek MT6737T

Mali-T720

Mediatek MT6739CH

Mediatek MT6739CW

Mediatek MT6739WA

Mediatek MT6739WM

Mediatek MT6739WW

PowerVR GE8100

MediaTek MT8163

Mali-T720

MediaTek MT8168A

MediaTek MT8168B

Mali-G52

Mediatek MT8173

PowerVR GX6250

Qualcomm Snapdragon 430

Adreno 505

Qualcomm Snapdragon 625

Adreno 506

Qualcomm Snapdragon 660

Adreno 512

Qualcomm Snapdragon 662 SM6115

Adreno 610

Qualcomm Snapdragon 665 SM6125

Adreno 610

Qualcomm Snapdragon 675

Adreno 612

Samsung Exynos 7580 Octa

Mali-T720

Samsung Exynos 7884B

Mali-G71

Samsung Exynos 7885

Mali-G71

Samsung Exynos 7904

Mali-G71

Spreadtrum UniSoC SC9863A

PowerVR GE8322

Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:

Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:

Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:

  • Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.

  • Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.

  • Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.

Kung choppy o putol-putol ang sound:

Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.

Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.

Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.

Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Pwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.

Mga Kaugnay na Article