Hades - Game Support

Makipaglaban sa pabago-bagong Underworld para takasan ang afterlife, kung saan kakampi mo ang mga Greek god. At kapag namatay ka habang nakikipaglaban? Subukan ulit.

I-download sa iPhone o iPad mo

Mga Platform: iPhone, iPad, o iPod touch

Game category: Aksyon

Bilang ng players: Single player

Offline play: Mayroon

Cloud saves: Mayroon

Content rating: Tingnan ang page sa app store ng game

Mga Wika: Chinese (Simplified), English (US), French, German, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Russian, Spanish (Spain)

Developer: Supergiant Games, Secret6

Mga Requirement

Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Compatible na device:

    • iPhone, iPad, o iPod touch na gumagamit ng iOS/iPadOS 17 o mas bago

  • Active subscription sa Netflix

  • Internet connection para i-download at i-install ang game

  • Sapat na storage space sa device mo


Pag-install

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.

    Note:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan kung Paano mag-update ng Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa mga resulta ng search, at i-tap ang Get o ang Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, i-tap ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Nagkakaproblema sa game? Narito ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.

Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:

Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:

Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:

  • Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.

  • Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.

  • Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.

Kung choppy o putol-putol ang sound:

Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.

Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.

Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.

Hindi ka ba makausad sa game? Nagtataka ka ba kung paano paganahin ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa in-game settings? Heto ang mga sagot sa mga karaniwang tanong sa gameplay.

Puwede mong pagandahin ang experience mo sa pamamagitan ng pag-connect ng Bluetooth controller sa device mo. I-set ang controller mo sa pairing mode at piliin ito sa settings ng Bluetooth ng device mo. Kapag naka-connect na ito, puwede mong gamitin para kontrolin ang character mo sa game.

Hindi makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.

Mga Kaugnay na Article