GTA: Vice City - The Definitive Edition - Game Support

GTA Vice City

Welcome sa '80s. Sa matingkad at makulay na tropikal na bayan na nag-uumapaw sa posibilidad, malaki ang bayad sa pagtatraydor—oras nang maghiganti.

Tungkol sa game

Mga Platform: Android phone at tablet, iPhone, iPad, o iPod touch

Game category: Action / Adventure

Bilang ng player: Single player

Offline play: Mayroon

Cloud saves: Mayroon

Content rating: Tingnan ang page sa app store ng game

Mga Wika: Chinese (Simplified), Chinese (Traditional), English (US), French, German, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Russian, Spanish (Castilian), Spanish (Latin America)

Developer: Rockstar Games

Paano mag-download

Mga Requirement

Para makapaglaro, kailangan mo munang i-install ang game sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Compatible na device:

    • Android phone o tablet: Karaniwang available para sa mga device na may Android 11+ at may mga high-performance na CPU at GPU.

    • iPhone, iPad, o iPod:  iOS/iPadOS 16 o mas bago, at may A13 o mas bagong CPU.

      Paalala:
      Hindi available sa iPhone o iPad sa Afghanistan, Iraq, Libya, Maldives, Morocco, Saudi Arabia, o sa United Arab Emirates.

    TIP: Tingnan ang game sa Play store o App store mula sa device mo. Kung kaya mo ito i-install, compatible dapat ang device mo.

  • Active subscription sa Netflix

  • Internet connection para i-download at i-install ang game

  • Sapat na storage space sa device mo

Malaking game ito. Mada-download muna ang app, at pagkatapos ay mada-download ang assets sa unang beses itong i-launch. Siguraduhing naka-connect ka sa WiFi para sa pag-download at mayroon kang di-kukulangin sa 5 GB na available space.

Pag-install

Mga Android phone at tablet

Mula sa Netflix app

Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at tab na Mga Game sa ibaba.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.

    Paalala:
    Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game o ang tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.
  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.

  3. I-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa Play Store

Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.

  1. Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  4. Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

iPhone, iPad, at iPod touch

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.

    Tandaan:
    Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game row? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.
  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o ang Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa mga resulta ng search, at piliin ang Get o ang Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Mga tanong sa gameplay

Paano ako magbubusina sa kotse?

Mag-tap nang dalawang beses sa gitna ng screen gamit ang dalawang daliri, habang nasa look ng sasakyan.

Hindi ka ba makausad sa game? Iniisip mo ba kung paano gumagana ang isang bagay? May mga tanong ka ba tungkol sa in-game settings? Tingnan ang support page ng Rockstar.

Pag-troubleshoot/Mga Isyu

Nagkakaproblema ka ba sa game? Ito ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.

Pinapainit ng game ang device

Kung minsan, puwedeng gamitin nang husto ng game ang resources ng device mo, kaya iinit ito. Normal lang ito, pero kung nag-aalala ka sa init ng device mo o nakakakuha ka ng kahit anong babala mula rito, ang pinakamagandang gawin ay huminto sandali sa paglalaro at hayaan itong lumamig.

Hindi natapos ang pag-download ng game

Puwedeng mangyari ito kapag wala nang sapat na space sa device mo.

  • Mga android phone at tablet: Bawasan ang laman ng device mo at automatic na magpapatuloy ang pag-download.

  • Mga iPhone at iPad: Bawasan ang laman ng device mo, i-relaunch ang app, at magsisimula ang pag-download kung saan ito huminto.

Sinasabi ng App o Play store na hindi compatible ang device ko

 Dahil sa iba't ibang teknikal na limitasyon, hindi makakatakbo ang game sa bawat device. Kung nakikita mo ang message na ito, hindi mo mai-install ang game sa device mo. Ine-explore namin ang paggawa nitong available sa mas maraming device sa hinaharap.

Nagka-crash, nagfi-freeze, o hindi na nagre-respond ang game

Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:

Problema sa performance o visuals ng game

Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:

Mga problema sa sound o volume ng game

Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:

  • Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.

  • Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.

  • Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.

Kung choppy o putol-putol ang sound:

Error message o code sa game

Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.

Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.

Nawala ang game progress o may mga nawawalang item sa game

Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.

Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.

Mga Kaugnay na Article