Paano makuha ang mga pinakabagong kontrol ng magulang

Kung gumagamit ka na ng mga kontrol ng magulang na ina-apply sa buong Netflix account mo, puwede kang kumuha ng pinakabagong version at i-customize ang mga kontrol para sa mga indibidwal na profile.

Para makuha ang pinakabagong version ng mga kontrol ng magulang:

  1. Sa web browser, pumunta sa Account page mo. 

  2. Buksan ang Mga Kontrol ng Magulang

    • Kung wala kang nakikitang link para sa Mga kontrol ng Magulang, nakuha mo na ang pinakabago at puwede mo nang lagyan ng mga kontrol sa bawat profile. Gamitin ang Mga kontrol ng magulang sa Netflix para makita ang mga option mo.

  3. Kapag nakita mo na ang page na Bagong mga Kontrol ng Magulang na may may mga detalye sa mga kontrol ng magulang sa bawat profile, puwede ka nang:

    • Pumili ng maturity level para sa bawat profile.

    • Humingi ng PIN para ma-access ang bawat profile.

    • Tingnan ang list ng Mga Ipinagbabawal na Title para sa bawat profile (na lilipat mula sa kasalukuyan mong mga kontrol ng magulang).

  4. I-click ang I-save.

Paalala:
Baka kailangang i-refresh ang device mo para makuha ang updated settings. Para mag-refresh:
Lumipat sa ibang profile, pagkatapos ay bumalik.
O kaya, mag-sign out sa device mo at mag-sign in ulit.

Bakit hinihiling sa aking i-update ang mga kontrol ng magulang?

Para bigyan ang mga pamilya ng karagdagang kontrol sa mga TV show, pelikula, at game na pinapanood o nilalaro ng mga bata, puwede kang maglagay ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile sa halip na sa buong Netflix account mo. 


Kung mas gusto mong gumamit ng iisang PIN para limitahan ang panonood sa buong account, i-click ang I-cancel sa halip na maglagay ng mga kontrol sa bawat profile.

Bakit HINDI hinihiling sa aking gumamit ng mga kontrol ng magulang sa bawat profile?

Kung hindi ka pa nakagamit ng mga kontrol ng magulang, o nagsimula kang gumamit ng mga ito pagkatapos maging available ang mga updated feature, hindi kailangang gumawa ng pagbabago. Puwede ka nang gumamit ng mga kontrol ng magulang sa kahit aling Netflix profile mo.

Puwede ko pa rin bang gamitin ang iisang PIN ng account ko para sa mga kontrol ng magulang?

Oo. Para patuloy na gumamit ng iisang PIN para limitahan ang panonood sa buong account, i-click ang I-cancel sa halip na maglagay ng mga kontrol sa bawat profile.

Hihilingin pa rin sa iyo na ilagay ang PIN mo para sa mga kontrol ng magulang para mag-stream ng kahit ano na lampas sa pinapayagang maturity rating, pero hindi ka makakagawa ng mga pagbabago hangga't hindi ka nag-a-update sa pinakabagong version. Para mag-update sa mga pang-profile na kontrol, pumunta sa Mga Kontrol ng Magulang ng account mo kahit kailan.

Makukuha ko ba uli ang dati kong PIN protection kung mag-a-update ako?

Hindi. Kapag nag-update ka para i-customize ang mga kontrol ng magulang para sa bawat profile, hindi ka na makakagamit ng iisang PIN para sa buong account. Makakagawa ka ng PIN para kontrolin ang access sa mga partikular na profile gamit ang Profile Lock.

Mga Kaugnay na Article