Ang Inquiry Mo sa Legal na Proseso
Ilo-launch namin ang Netflix Law Enforcement Portal. Hihingin sa iyong gumawa ng account para i-submit ulit ang mga request mo gamit ang portal kung supported ang bansa mo. Papadalhan ka namin ng email na may karagdagang gabay.
Salamat sa pakikipag-ugnayan sa Netflix. Naabot ng email message mo ang automated na inbox. Mino-monitor ang inbox na ito para lang sa mga inquiry sa legal na proseso.
Kung tungkol sa isyu sa customer service ang inquiry mo, pumunta sa help.netflix.com. Hindi kami sumasagot sa mga inquiry na may kaugnayan sa customer service sa email address na ito.
Kung isa kang opisyal na tagapagpatupad ng batas, nasa tamang lugar ka. Sinusubukan ng Netflix ang lahat ng makakaya nito para matugunan ang mga request sa pagpapatupad ng batas sa loob ng 3 linggo mula sa kung kailan ito natanggap. Kung kailangan ng karagdagang impormasyon, makikipag-ugnayan kami sa iyo. Para maiwasan ang kahit anong pagkaantala sa pagpoproseso ng request mo, iwasang magpadala ng mga duplicate o maraming request sa status.
Para sa mga request para sa emergency disclosure kung saan may banta ng panganib na mamatay o lubhang mapinsala ang isang tao, pakisama ang “Emergency” sa subject line. Mga emergency request na galing sa mga opisyal na tagapagpatupad ng batas lang ang susuriin ng Netflix. Papangasiwaan ang lahat ng iba pang request sa nakasanayang paraan.
Salamat,
Netflix
Bahasa Indonesia, Bahasa Melayu, Čeština, Dansk, Deutsch, English, Español, Español España, Français, Français Canadien, Hrvatski, Italiano, Magyar, Nederlands, Norsk Bokmål, Polski, Português, Português do Brasil, Română, Suomi, Svenska, Tiếng Việt, Türkçe, Ελληνικά, Pусский, Українська, עברית , العربية, हिन्दी, ไทย, 繁體中文, 简体中文, 日本語, 한국어